As a proud Thomasian or really just because I'm reading this list from Facebook, I thought I'd share some of the most interesting things on the list along with my worthless comments. Full list is here. And for something different, this post will be in Tagalog-English or "Filipino accented English Slang". Click the links for the full url of the images as some of them aren't mine.

1. Tanaw ang Manila Bay kapag ikaw ay nasa tuktok ng UST Main Building Tower.
[Kung saan pwede kang mg ala titanic. click picture to see reference site]
2. Binuhat pa mismo mula sa Intramuros ang pinaka-entrada ng UST na tinatawag ngayong Arch of the Centuries.
<----
3. Ang UST Museum ang pinakamatandang museo sa Pilipinas na magpasahanggang ngayon ay nananatiling nakatayo.
[Based on fictional scientific studies, na sa UST museum ang pinaka malakas na aircon sa buong campus]
4. Mayroong urban legend na nagsasabing pag lumabas ka raw sa Arch of the Centuries nang hindi ka pa grumagraduate at made-debar ka.
[Kung saan prinopose na gawin ang sign na ito]
5. Dalawang beses lang nainterrupt ang pasok sa UST, noong First Revolution at World War 2.
[Muntik na/Saglit na naiinterrupt rin ng Ah1n1 ang pasok sa UST.]

6. Noong panahon ng mga Amerikano, inalok ang UST na maging National University of Philippines. Hindi pumayag ang mga Paring Dominikano dahil mapapasa-ilalim ito sa pamahalaan ng Gobyerno. Ito ang naghudyat ng pagkakatatag ng University of the Philippines.
[Or pwede ring ayaw nilang maging bulldog or ayaw nila ng my hubad na nakatitanic pose statue]