Thursday, June 9, 2011

13 Interesting Facts About UST in Pictures (Tagalog)

As a proud Thomasian or really just because I'm reading this list from Facebook, I thought I'd share some of the most interesting things on the list along with my worthless comments. Full list is here. And for something different, this post will be in Tagalog-English or "Filipino accented English Slang". Click the links for the full url of the images as some of them aren't mine.



1. Tanaw ang Manila Bay kapag ikaw ay nasa tuktok ng UST Main Building Tower.

[Kung saan pwede kang mg ala titanic. click picture to see reference site]


2. Binuhat pa mismo mula sa Intramuros ang pinaka-entrada ng UST na tinatawag ngayong Arch of the Centuries.

<----







3. Ang UST Museum ang pinakamatandang museo sa Pilipinas na magpasahanggang ngayon ay nananatiling nakatayo.

[Based on fictional scientific studies, na sa UST museum ang pinaka malakas na aircon sa buong campus]




4. Mayroong urban legend na nagsasabing pag lumabas ka raw sa Arch of the Centuries nang hindi ka pa grumagraduate at made-debar ka.


[Kung saan prinopose na gawin ang sign na ito]




5. Dalawang beses lang nainterrupt ang pasok sa UST, noong First Revolution at World War 2.

[Muntik na/Saglit na naiinterrupt rin ng Ah1n1 ang pasok sa UST.]





6. Noong panahon ng mga Amerikano, inalok ang UST na maging National University of Philippines. Hindi pumayag ang mga Paring Dominikano dahil mapapasa-ilalim ito sa pamahalaan ng Gobyerno. Ito ang naghudyat ng pagkakatatag ng University of the Philippines.

[Or pwede ring ayaw nilang maging bulldog or ayaw nila ng my hubad na nakatitanic pose statue]




7. Ginawang World War II Military Stronghold ang UST Campus noong masakop ng Hapon ang Pilipinas.

[kung saan meron ring nangyaring mga kalokohang gaya ng video na makikita ninyo (ok so hindi lahat pictures ang post na to)]


8. UST ang pinakamalaking paaralan sa siyudad ng Maynila.

[Gaano katanda? Dun pumasok si Rizal at inabutan ang ibat ibang sumakop sa Pilipinas]











9. Ang UST lang ang may natatanging titulong "Royal and Pontifical" sa lahat ng Kolehiya at Pamantasan sa Pilipinas.









10. Ang UST - AMV (Alfredo M. Velayo) College of Accountancy ang kauna-unahan at nagi-isang academic unit sa UST na ipanangalan sa isang mag-aaral nito.

[Alfredo M. Velayo pala. Akala ko parang AVR. Audio Music Video-College of Accountancy. Pwede naman di ba? Di ba? ]




11. Ang Faculty of Civil Law ng UST ay ang pinagtapusang pamantasas ng anim na Supreme Court Chief Justices.

[Kung saan sa kasamaang palad ay hindi ganto ang uniform ng mga judge sa Pilipinas]







12. May sariling sewing room ang UST located sa Second floor ng grandstand.

[Eto ang source ng mga UST PE uniform katulad ng picture sa kaliwa ngunit hindi po ganyan ang pinapagawa sa PE kaya huwag mag alala]





13. January 28 ang Feast day ni St. Thomas Aquinas at April 28 naman ang foundation day ng UST.

[Importanteng malaman ang mga date na ito sapagkat wala itong pasok. Maaring mg schedule ng mga class outing at iba pang aktibidades]







Once again full list is here.

No comments:

Post a Comment